June 21 natin naramdaman si Typhoon Frank. Umaga palang, malakas na ang ulan. I was in school that morning having our evaluation exam. Pagpasok pa lang sa campus bubungad na ang medyo mababaw pa lang na baha, about 8inches pa lang na hanggang sa main building(Burke Building) pumapasok na at shempre parang fishpond na naman ang itsura ng technical building, as usual. Shempre, outcaste ang mga naka todo porma at nagiinarte mag dala ng payong that day. We took the exam for two hours. Unfortunately, one of my groupmates was not able to go to school dahil hanggang bewang na ang baha sa kanila. After the exam, I went home immediately. Parang ilog na ang NDU, first time kong makita yung ganoong scenario dun. At home, during lunch time, I’ve waited my parents to arrive from
Davao. Kaso my parents together with my sister was stranded somewhere in Salimbao, Cotabato because the public can’t cross because of the about 4feet flood in the main road. Dad was so afraid that time because the engine might have a trouble. While waiting, dad’s BP came up. BTW, they went to
Davao to have a consultation because Dad’s BP is elevating since he went home from the States. Thanks God, Dr. Maliga was there who gave him 3 tablets of antihypertensive drug. Pero di parin umipekto. So Dr. Maliga told my parents na kelangan talagang nilang makauwi ng city dahil kung hindi he might have a stroke. Sumakay na lng sila ng 6by truck na para sa public kasi nga hindi na talaga makakatawid ang mga sasakyan. Diretso sila sa hospital were I met them. That day, my friends also texted me about what they experienced habang pauwi from their outskirt duty. Pumapasok na daw mismo sa bus na sinakyan nila ang baha and they were afraid na baka hindi sila makauwi that day. Thanks God, all of them are safe even though may balita din that day na may natabunan ng landslide at nalunod dahil sa sobrang pag ulan.I thought hanggang dun lang kwento ni Frank, nakaalis na ang bagyo at lahat lahat, Di pa rin bumababa ang tubig at patuloy na tumataas. Ang dami ng affected na families. As what I’ve heard on the news, about 15 thousand families are affected. Mayaman man o mahirap. It varies on the place na tinitirahan nila. About 60 percent na daw ng Cotabato ang lubog sa baha, hindi na bumababa ang tubig, tumataas pa lalo. Sabi nga ng Mayor sa interview, baka pag di mapigilan, magagaya ang Cotabato nung 1950s kung saan bangka ang means of transportation. Kung ganun nga mangyayari, sorry na lang ang may magagandang sasakyan, tambay muna. Pabor din yun sa inyo, mataas na ang gasolina ngayon. Our school always do PISO PISO campaign drive para sa mga calamities. This time it is for our kababayans na. Sa narinig ko, ang college namin nakakuha ng 45k. Mababa pa ito compared last year, ang dami kasi hindi na kasali most especially fro Level IV because of the out skirt duties. At least, in behalf of our batchmates, nakatulong kami. Di nga lang sapat para sa dami ng binaha. Again we thought it’s over na, hindi pa pala. And guess what…. Ang NDU mismo dagat na! Mukhang kelangan na din ng PISO PISO campaign. This days, abala ang marami sa paglinis sa Rio Grande sa may delta bridge dahil according sa news, almost 10 hectares and mga water lily ang nagsulputan kaya the water can't flow which caused flood pa rin in some parts of Cotabs. Anyway, what’s the whole point of this blog? This is to remind the Cotabateños na masyado na tayong nagiging masama this past years. Hindi na tayo marunong matakot. Kaya lahat ng karma binuhos sa atin ngayon. Example na itong si Frank. Kay Frank natatakot tayo, pero bakit sa Diyos hindi.? Like what my friend told me, “jeh, baha na ditto sa amin.. aabot na ng second floor.. Puchaaa! End of the world na ba?” Some may find it funny, pero magisip isip kayo. Think about it Cotabateños. Let’s Pray na matapos na ito kasi mukhang makulimlim na naman!.
PS. I’ve received a text message from friends, saying , “ FROM SSG: one week walang pasok, class will resume on July 14, 2008.” and according sa isang kong source, mukhang 3 weeks tayong magbabaksayon kasi di pa rin bumababa ang tubig. Lagot tau sa first trinal. Kung nagkataon baka mamove ang sembreak at worst, walang sembreak. hahaha
found this at youtube: http://youtube.com/watch?v=cbIgGvHUzX8


No comments:
Post a Comment